TRANSPORTATION SECRETARY ART TUGADE, NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA BAGONG PNR LUCENA STATION
Written by DZAT on September 28, 2021
Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTR) Sec. Art Tugade ang inspeksiyon sa bagong tayong Phillipine National Railway (PNR) Lucena Station noong araw ng Sabado, Sept. 25,2021.
Bahagi ito ng 560-kilometer long haul rail line at 35 train stations na magkokonekta sa National Capital Region (NCR) at mga lalawigan sa Southern Luzon na kinabibilangan ng Laguna, Quezon, Batangas, Camarines Sur at Sorsogon.
Samantala,ang gagamiting riles naman sa nasabing proyekto ay standard gauge o mas malapad na riles ng tren at inaasahan na ang tren ay may bilis na 120 hanggang 160 kilometers per hour.Kung noon,14 hanggang 18 oras ang biyahe mula Bicol pa-Maynila, sa pamamagitan ng isang “diesel train” ay magiging apat (4) na oras na lamang.
Inaasahan naman na magkakaroon ng partial operation ng long haul rail line sa buwan ng Abril taong 2022.
Kaugnay niyan nabanggit naman ng alkalde ng lungsod ng Lucena na si Mayor Roderick Dondon Alcala na may inilaan ng bagong paglilipatang lugar para mga residente na dating nakatira sa bisinidad ng bagong tayong Lucena train station.