SUSPEK ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA MAUBAN, QUEZON
Written by DZAT on September 21, 2021
Isinagawa ang buy bust operation nung araw ng Linggo, Sept. 19, 2021 bandang alas-kuwatro ng hapon sa Mauban, Quezon.
Arestado ang mga suspek na kinilalang si Jay Paulle Tejada Villamayor alyas Pipoy, bente otso anyos, residente ng Sitio Sta. Barbara Barangay Soledad. Mauban Quezon matapos na mabilhan ng isang pulis na nagsilbing poseur buyer.
Nakuha mula sa suspek ang limang sachet ng shabu at isang 500 peso bill na nagsilbing marked money sa nasabing operasyon.
Nasa kustodiya na ng Mauban Municipal Police station ang suspek, na maaring maharap sa kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.