Current track

Title

Artist


Sulu Provincial Director, binaril at napatay ng pulis sa QCP

Written by on August 9, 2021

Namatay matapos barilin ng pulis sa Quarantine Control Point sa Brgy. Asturias, Jolo, Sulu nitong Biyernes ng 4:30 ng hapon si Sulu Provincial Police Director P/Col. Michael Bayawan.
Kinilala ang suspek na si PSSG Imran A Jilah na naka-assign sa 3rd Mobile Patrol, 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC).
Base sa inisyal na report na nakarating sa Camp Crame, nagsasagawa ng inspeksyon si Bayawan sa naturang QCP nang nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nila ni SSG. Jilah matapos niyang sitahin ito.
Nauwi ito sa pamamaril ni Jilah kay Col. Bayawan, kung saan namatay din ang suspek sa pag-responde ng security ni Bayawan.
Si Bayawan ang Provincial PNP Director ng Sulu nang mangyari ang tinaguriang Jolo misencounter na ikinasawi ng 4 na sundalo na miyembro pala ng Intelligence Unit ng militar.
Una nang nasibak sa puwesto si Bayawan dahil sa insidente subalit pinabalik din ito kalaunan matapos ang imbestigasyon kung saan, pinapanagot ang 9 na tauhan nito.
Source: Radyo Pilipinas


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.