RAPE CASE SA LALAWIGAN NG CAMSUR BAHAGYANG BUMABA NGAYONG TAON
Written by DZAT on September 2, 2021
Nakapagtala ng 68 rape cases ang lalawigan ng Camarines Sur mula Eneron hanggang Agosto ngayong taong ito.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Nanie Precy Alcala, Chief ng Provincial Women and Children Protection Desk na mas mababa ito kumpara noong taong 2020 na mayrong 122 na kaso sa kaparehas na mga buwan.
Sa tala, ang naipapaabot na mga report ay pawang matagal na ang ibang kaso na huli lamang naipapaabot sa mga awtoridad.
Tinututukan ng PNP ang mga insidente ng pang-aabuso sekswal o ang kanilang Oplan KASKAS (Kasurog asin Sociodad: Kontra abusong sekswal).
Ito ay sa pamamagitan ng kampanya sa social media at may mga pagkakataon na umiikot sa mga pamayanan.