Current track

Title

Artist


Philippines Miss Universe 2020 Rabiya Mateo, ipinakita through social media ang kanyang sarili ’11 years ago’

Written by on November 1, 2020

Ang bagong nakoronahan sa Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo noong Biyernes ay nagbahagi ng isang dekada niyang larawan na naipalaganap sa social media, habang hinarap niya ang mga kritiko na tinutukoy ang mga pagbabago umano sa kanyang hitsura.

Ipinapakita ng larawan ang pahina ni Mateo sa kanyang year book sa high school year, kung saan nakalista ang kanyang mga nakamit, kabilang ang unang honorable mention, best in communication, at ang best performer of the year.

Sa isang pag-update sa Instagram Stories, nag-post ang beauty queen ng parehong larawan, na may caption na nagpapaliwanag na dumaan talaga siya sa mga positibong pagbabago pagkatapos ng malikha ang yearbook.

“This is me 11 years ago. I still didn’t have my braces. I don’t know how to put make up. I’m not aware of what angle flatters me most but that is still me,” ayon kay Rabiya.

“A lot of things happened in that period of time. I grew up and became more mature. I was able to invest in myself and practice self-love.”

Si Mateo, na half-Indian, ay hindi direktang kinumpirma kung sumailalim siya sa anumang cosmetic surgery.

Source:https://news.abs-cbn.com/life/10/30/20/im-beautiful-then-and-now-rabiya-gets-candid-on-physical-appearance-11-years-ago


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *