Current track

Title

Artist


Oxygen tanks para sa mga residenteng may Covid-19, libreng magagamit sa bayan ng General Luna

Written by on September 20, 2021

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Quezon ay minabuti ng lokal na pamahalaan ng General Luna na bumili ng 20 medical oxygen tanks na magagamit ng mga residente nito.
Ayon kay Mayor Matt Florendo, bumili ang lokal na pamahalaan ng mga oxygen tanks na may regulators upang matulungan ang mga nasasakupan nitong makararanas ng hirap sa paghinga dahil sa Covid-19.
Nitong Biyernes, Setyembre 17 ay dumating ang unang batch ng mga hospital-sized oxygen tanks na kanilang binili at inaasahang darating sa susunod na linggo ang 10 pang karagdagang oxygen tanks.
Ayon kay Florendo, ang mga oxygen tanks ay libreng ipapagamit sa mga residenteng nangangailangan nito. Libre din aniya ang oxygen refill para sa mga indigent patients.
Nananatili naman ang buong lalawigan ng Quezon sa ilalim ng general community quarantine ‘with heightened restrictions’ hanggang sa katapusan ng Setyembre.
Source: PIA CALABARZON NEWS


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.