Current track

Title

Artist


NHA naglaan ng P25M pondo para sa proyektong pabahay sa Alabat

Written by on August 16, 2021

Naglaan ng P25M pondo ang National Housing Authority (NHA) para sa planong pabahay para sa 150 pamilyang higit na nangangailangan sa bayan ng Alabat, Quezon.
Prayoridad sa proyektong pabahay ang mga nakatira sa tabing dagat at tabing ilog, maging ang mga pamilyang walang kakayanang bumili ng sariling bahay at lote.
Sa isang social media post, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Alabat na inihahanda na ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang listahan ng mga magiging benepisaryo ng pabahay batay sa criteria ng Local Inter-Agency Committee for Housing Program.
Nagkaroon na rin ng paunang pakikipag-ugnayan si Alabat Mayor Fernando Mesa sa mga pamilyang nakatira sa tabing dagat ng Barangay 3 Poblacion.
Nakatakda namang ipadala ng lokal na pamahalaan ang mga dokumentong kinakailangan sa NHA sa mga susunod na araw.
Source: Philippine Information Agency


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.