MGA PULIS NA PUMATAY SA ANAK NG ISANG MAMBABATAS SIBAK SA SERBISYO
Written by DZAT on September 8, 2021
Sibak na sa serbisyo ang dalawang pulis na suspek sa pagpaslang sa anak ng isang kongresista sa Iloilo.
Kinilala ang dalawang akusadong pulis na sina Police Staff Sergeant Ricardo Cabrera Morante at Police Corporal Joseph Andrew Poneles Joven na nagsilbing driver ng kanilang get-away vehicle.
Ang nasabing biktima ay kinilalang si Delfin Britanico at anak ni dating assemblyman at Banat Partylist Rep. Salvador Britanico.
Ayon kay Lt. Col. Arnel Solis, spokesperson ng Police Regional Office VI, unang nang natanggal sa serbisyo si Morante at sunod naman si Joven na nag absent without leave.
Pahayag pa rin ng opisyal ikinanta na rin mismo ni Joven na sangkot rin ang mga pulis na pumatay kay Britanico ay sina Police Staff Sergeant Morante at Police Master Sergeant Vernie Lui Escorial.