MAHIGIT ISANG LIBONG PAMILYA INILIKAS SA LALAWIGAN NG QUEZON SA PANANALASA NG BAGYONG JOLINA
Written by DZAT on September 9, 2021
Tinatayang 5,936 na mga residente ang inilikas sa lalawigan ng Quezon na kung saan sila ay isinailalim sa evacuation araw ng Martes hanggang kahapon, araw ng Miyerkules dahilan sa pananalasa ng bagyong Jolina.
Ayon sa hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ng lalawigan ng Quezon,bandang alas- otso ng umaga kahapon, Sept. 08 ay 1,626 na mga pamilya ang nailikas sa mga evacuation centers.
Karaniwan ng mga bakwit ay pawang mula sa mga lugar na mapanganib sa landslides o pagguho ng lupa, flash floods, storm surges o daluyong at iba pang mga lugar na kinokonsiderang delikado pag may sama ng panahon.