Current track

Title

Artist


Laguna Medical Center, nanawagan sa DOH para sa karagdagang nurses

Written by on September 23, 2021

Nanawagan ang pamunuan ng Laguna Medical Center sa Department of Health (DOH) para sa karagdagang nurses matapos magpositibo sa COVID-19 ang 25 kawani ng kanilang pagamutan.
Bukod sa nurses, isinailalim na rin sa quarantine ang ibang mga kawani ng ospital dahil sa posibleng exposure sa mga natukoy na nagpositibo sa COVID.
Ayon kay Infectious Disease Unit Head, Dr. Christina Marquez, malaki ang epekto nito sa serbisyong medikal ng ospital dahil bago pa man magpositibo ang ilang mga kawani ay maraming nurses na rin sa ospital ang umalis patungo sa ibang bansa at nagresign dahil sa bagong oportunidad na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapalitan.
Bukod dito, mayroon na ring mga personnel na nagpositibo sa Covid-19. Ayon kay Dr. Marquez, sila ay nahawahan ng Covid-19 dahil sa community transmission at hindi sa loob ng ospital.
Sa kabila nito ay umaasa ang pamunuan na matutugunan ang suliranin ng kanilang ospital na nasa ‘full capacity’ status na rin dahil sa dami ng mga pasyenteng may Covid-19.
Source: PIA CALABARZON NEWS


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *