Current track

Title

Artist


FETUS NATAGPUAN SA BAYAN NG LOPEZ, QUEZON

Written by on September 1, 2021

Isang fetus ang nakita sa gilid ng kalsada sa bayan ng Lopez, Quezon, sunog at nakahiwalay ang ulo nito nang ito ay matagpuan.
Ayon kay PSMS Roman Edora, Chief Investigator ng Lopez Municipal Police Station, sinabi nito na tinatayang nasa 6 hanggang 7 buwang gulang na ang naturang lalaking fetus.
Isang residente ang nakasaksi na isang lalaki at babae na nakasakay sa isang motorsiklo ang nakitang nagsusunog sa nasabing lugar.
Nang makaalis na ang mga suspek ay dito na nga nilapitan ng saksi ang nasabing fetus na sinusunog na kanyang nadiskubre.
Samantala, hindi pa batid ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek kung kaya patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente.


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.