Current track

Title

Artist


DOH molecular lab, binuksan sa Mauban

Written by on September 1, 2021

Higit na maiiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa bayan ng Mauban, matapos buksan ng Department of Health – Calabarzon ang pagbubukas ng kanilang Molecular Laboratory sa Barangay Bagong Bayan noong Agosto 26.
Ayon kay DOH CALABARZON Assistant Regional Director, Dr. Paula Paz Sydiongco, ito ang pinakamalaking testing facility sa buong rehiyon.
Kaya nitong makapagproseso ng 180 hanggang 200 specimen bawat araw, at may turnaround time na hanggang 48 oras.
Mayroon rin itong limang (5) silid na nakalaan bilang specimen receiving area, specimen handling room, preparation room, encoding, at evaluation room.
Mayroon itong biosafety level 2 certification, alinsunod sa mga alituntunin ng Health Facility and Regulatory Office.
Bukod sa COVID testing, maaari rin gamitin ang naturang pasilidad para sa pagsasagawa ng mga molecular test para sa ibang pathogen na maaaring gamitin para sa agarang gamutan.
“Sa pamamagitan nito, makakapagbigay tayo ng tamang treatment modality at mahinto ang pagkalat nito sa komunidad,” ani Sydiongco.
Binigyang diin rin ni Sydiongco ang kahalagahan ng mga molecular laboratory sa infection control na siyang ginagamit para sa mabilis na pagtukoy sa mga nakahahawang sakit.
Ayon sa DOH, kumpleto sa kagamitan ang testing facility upang masigurong tama ang resulta ng mga test na isinasagawa dito. Mayroon itong dalawang (2) polymerase chain reaction cabinet, dalawang (2) HP series lab combination refrigerator and freezer, airstream class 2 biological safety cabinet, streamline class 2 biological safety cabinet, lexicon 2 ultra-low temperature freezer, hp series lab freezer at hp series lab refrigerator.
Siniguro naman ni Sydiongco na patuloy ang suporta ng DOH upang mapangalagaan ang naturang pasilidad.
Source : Philippine Information Agency


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.