Current track

Title

Artist


DHSUD IV-A, magtatayo ng karagdagang evacuation site sa Batangas

Written by on August 9, 2021

Magtatayo ang pamahalaan ng dalawang karagdagang evacuation center sa mga bayan ng Sta. Teresita at Alitagtag upang matulungan ang lalawigan ng Batangas na makapaghanda sa mga sakuna, tulad ng mga aktibidad sa Bulkang Taal.
Pinangunahan ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo Del Rosario ang pagpapasimula ng mga evacuation center sa naturang lalawigan.
Ayon kay Del Rosario, napakahalaga ng naturang proyekto sa lalawigan upang magkaroon ng matutuluyan ang mga residenteng naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.
Upang masigurong maayos na nagagamit ang evacuation center, inatasan ng kalihim ang mga namamahala ng mga pabahay ng pamahalaan sa rehiyon na magsagawa ng regular na inspeksyon dito.
Ayon sa DHSUD IV-A, tatlong (3) evacuation center ang itatayo ng pamahalaan sa ilang bayan, na labis na naaapektuhan ng mga pagsabog ng bulkan bilang bahagi ng Taal Commitment Agreement na nilagdaan ng naturang ahensya at ng mga lokal na pamahalaan sa Batangas.
Apart from Otero, joining Secretary Del Rosario were DHSUD Undersecretary Meynard Sabili, Assistant Secretary Leira Buan, Regional Office 4A Assistant Regional Director Felix Brazil Jr., DHSUD Housing and Real Estate Development and Regulation Bureau OIC- Director Angel Aguila and other DHSUD officials and staff.
Bukod sa mga evacuation center, lumagda rin ng MOA si Secretary Del Rosario para sa lupang pagtatayian ng resttlement site para sa mga pamilyang nawalan ng tahanan dahil sa pahgsabog ng bulkan noong nakaraang taon.
Source: PIA


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.