Current track

Title

Artist


Regional

Page: 6

Itinaas ang alerto ng mga police units sa Bicol Region at maging sa lalawigan ng Quezon, ito ay matapos ang isinagawang pag-atake ng teroristang New People’s Army (NPA) sa Masbate City, Legazpi City at Buenavista, Quezon. Ayon sa hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Gen. Guillermo Eleazar, inatasan niya ang mga police units […]

Nakaengkuwentro ng mga tropa ng Scout Platoon ng 9th Infantry Division Philippine Army at PNP ang tinatayang 30 miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA) sa Bgy. Anas, Masbate City kahapon, June 08, 2021 bandang alas-5:30 ng madaling araw. Ang nasabing grupo ay kabilang sa grupo na responsable sa pagpapasabog ng landmine sa Masbate City […]

Idineklara kamakailan ng Mimaropa Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROC-BDC) ang pitong barangay sa dalawang munisipalidad at lungsod sa lalawigan upang mapabilang sa 129 drug-cleared barangay, matapos isinagawa ang deliberasyon at balidasyon. Pinamunuan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Mimaropa Regional Director, Laurefel P. Gabales ang nasabing deklarasyon kung saan ang mga barangay […]

Isang mangingisda ang patay matapos na pagbabarilin sa Bgy. Rizal, Padre Burgos, Quezon. Ang biktima ay kinilalang si Marson Mabasa, 45 taong gulang na residente sa nabanggit na lugar. Ayon sa impormasyon naghihintay lamang ang suspek na si Honorio Alano, 59 taong gulang, taga- Bgy. Campo, Padre Burgos na dumaan ang biktima sa isang bahay […]

Pinapayagan na ang mga private resorts sa Calamba City, Laguna base sa isang executive order na pinapayagang makapag-operate ang mga ito. Sa official statement ni Calamba Mayor Timmy Chipeco, umaapela ang mga private resorts sa kanyang lugar dahil hindi pa rin sila kasama sa mga maaring magbukas na. Dagdag ng alkalde, marami sa kanyang mga […]

Nagpalabas ng abiso ang lokal na pamahalaan ng Batangas City na kanselado ngayong araw na ito, June 03 ang vaccination. Ito ay sa kadahilanan na ang buong lalawigan ng Batangas ay isinailalim sa storm warning signal, ito ay para bigyang daan ang kaligtasan ng lahat ng posibleng pupunta sa iskedyul ng kanilang vaccination. Samantala pinapayuhan […]

Mapalad na nakaligtas ang anim na crew ng isang passenger pumpboat kahapon, June 02 na lumubog habang patungo sa Alad Island, Romblon. Masuwerte naman na may nakakita na mga residente sa paglubog ng nasabing bangka kung kaya’t sumaklolo kaagad ang mga ito. Ang mga nakaligtas ay kinilalang sina Marcos Fronda, Jomar Fajanilan, Domengueto Fajilan, Onyok […]

Nagsimula na kahapon na magbigay ng notice of violation ang mga Covid sheriff ng lungsod. Ayon kay Ernan Libao, head ng Covid Sheriff Program ng pamahalaang panglunsod, sinabi niya na tuloy-tuloy na ang kanilang pagbibigay ng ticket sa mga mga mahuhuling lalabag sa minimum health protocols at mahigpit nila itong ipatutupad. Ayon sa kaniya, kasama […]

Magsisilbing kaunahan-unahan na COVID 19 drive thru vaccination hub ang binuksan sa Biñan, Laguna sa Southwoods Mall nito lamang araw ng Lunes, May 31. Ang lokasyon ng nasabing drive thru vaccination hub ay sa drop off area ng nasabing mall samantalang ang sinehan ang magsisilbing mismong vaccination site. Ang mga residente na nais magpabakuna ay […]

Mula sa 76 na kaso na naitala nitong Enero, kasalukuyang taon, ay bumaba sa dalawa nitong Mayo ang kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Rehiyon Bikol. Ito ay kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) Regional Quick Response Team for Animal Disease Emergencies (RQRT) sa pamamagaitan ng Regional Spokesperson nito na si Emily Bordado. Ayon […]