Current track

Title

Artist


Regional

Page: 4

Nangyari ang insidente ng pananambang kahapon ng mga teroristang komunista kahapon ng hapon sa Pinabacdao, Samar, July 28, 2021 sa mga pulis at healthworkers na kung saan kukuha lamang ang mga ito ng COVID 19 vaccines sa Tacloban City para sa Calbayog City. Nangyari ang pagpapaulan ng bala sa mga sasakyan at sinundan pa ng […]

Matapos ang naging pagpupulong kagabi, July 28, kasabay ng public address ni Pangulong Duterte, mananatili sa ilalim ng General Community Quarantine with Highthened Restriction ang lungsod ng Lucena sa Region IV-A mula August 1 hanggang 15 samantalang ang buong lalawigan ng Quezon naman ay GCQ Classification sa buwong buwan ng Agosto. Kasabay niyan kagabi nagbabala […]

Limang magkakapitbahay ang huli ng Lucena PNP matapos na maaktuhan na nagsusugal sa isinagawang anti-illegal gambling operation sa Bgy. Ibabang Dupay, araw ng Martes, July 20. Sa report ng kapulisan nakatanggap sila ng report mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na ilegal na sugal na bet game sa Sitio Villaverde sa nasabing barangay. […]

Isang 17 anyos na lalaki ang sugatan matapos na pagtatagain sa Barangay Mabini, Del Gallego, Camarines Sur. Ang nasabing biktima ay residente ng Bgy. Palaspas ng nasabing bayan, samantala ang suspek ay kinilalang si Oliver Sandoval, 21 anyos na kung saan sa ulat ng Camarines Sur Police Provincial Office ay nang dumating ito sa lugar […]

Masayang ibinalita ng alkalde ng bayan ng General Luna sa lalawigan ng Quezon ang nakatakdang pagdating ng 900 doses ng COVID 19 vaccine na gawa ng Johnson and Johnson’s Janssen. Hinihikayat ni Mayor Matt Florido ng nasabing bayan na magpalista ang lahat ng mga senior citizen at mga may comorbidity para sa nasabing single shot […]

Nakasagupa ng militar ang tinatayang 20 miyembro ng New People’s Army (NPA) kahapon, July 20. Sa ulat ng 9th Infantry Division, Philippine Army umabot ng halos 30 minuto ang palitan ng putok ng nasabing komunistang teroristang grupo at ng militar mula sa 83rd Infantry Batallion sa Barangay Bongalon, Sagñay, Camarines Sur. Dalawa ang nasawi sa […]

Nanakawan ang isang 45 anyos na negosyante sa bahagi ng Sitio Burol, Bgy. Pahinga Norte, Candelaria, Quezon. Sa ulat ng Candelaria Municipal Police Station, nadiskubre na lamang ng nasabing biktima na nawawala na ang kanyang shoulder bag na naglalaman ng pera, alahas at gadget na umaabot sa P360 libong halaga. Natangay ng hindi pa nakikilalang […]

Umaabot sa P33.5 milyong piso ang halaga na nasira sa sektor ng agrikultura bunsod ng pag-aalburuto ng bulkang Taal. Sa inilabas na datos ng Batangas Provincial Government, aabot sa mahigit anim na libong piraso ng manok o Php 779,000 halagang katumbas dulot ng mataas na antas ng sulfur dioxide mula sa bulkan. Samantala 24.5 milyong […]

Dalawang sea vessel ang nakatakdang dumating mamayang alas-tres ng hapon, sakay ang 12 crew members na positibo sa COVID 19 virus. Ito ay ang towing vessel na MT CLYDE at barge CLAUDIA na nagmula sa Butuan City, Agusan del Norte at magtutungo sa Legaspi CIty, Albay. Natanggang ng PCG Station Albay ang isang text message, […]

Sampung volcanic earthquake ang naitala sa bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras. Ito ay kinabibilangang ng siyam na volcanic tremor events na tumagal ng isa hanggang anim na minuto at isang low frequency volcanic earthquake at low level volcanic tremor. Samantala sa huling bulletin na inilabas ng PHIVOLCS, nakitaan ito ng pagbuga ng […]