Current track

Title

Artist


CASH PAYOUT NG MGA DOLE TUPAD BENIFICIARIES ISINAGAWA NG KALINGA PARTY LIST SA QUEZON PROVINCE

Written by on September 20, 2021

Isinagawa nung araw ng Biyernes,September 17,2021, ang cash payout para sa mga DOLE-TUPAD beneficiaries sa pamamagitan ng KALINGA PARTYLIST sa pangunguna ng kanilang representative, Congresswoman Irene Saulog.
117 beneficiaries mula sa Bgy. Dalahican, Lucena City ang naging kabahagi sa nasabing programa.
Ayon sa kanila, lubhang naapektuhan ang kanilang kabuhayan ngayong pandemya.
Bilang bahagi ng programang ito, nagsagawa ng paglilinis sa nasabing barangay ang mga beneficiaries.
Sila ay nagpapasalamat na mayroong ganitong programa na naging malaking tulong sa kanila.
Bukod riyan nung araw ding yaon isinagawa rin ang kahalintulad na aktibidad sa Sariaya, Candelaria at Tiaong, Quezon.


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.