BAGONG PORT OPERATIONS BUILDING (POB) NG PORT OF MARQUEZ AT PIER 3 SA LUCENA, GANAP NANG PINASINAYAAN
Written by DZAT on September 28, 2021
Araw ng Sabado, Sept. 25,2021, pinasinayaan sa pangunguna ni Transportation Secretary Art Tugade ang bagong Port Operations Building (POB) sa Port of Marquez (Marinduque-Quezon) sa Bgy. Dalahican, Lucena City.Kasama sa nasabing okasyon si Port Manager Jay Daniel Santiago.
Naging highlight sa inauguration ang unveiling ng marker ng nasabing gusali. Inaasahan na ang bagong port operations building na ito ay lalong magpapaganda sa serbisyo ng nasabing pantalan.
Ang bagong Pier 3 naman ay inaasahan na kayang mag accommodate ng 12,500 na mga barko o roro na bibiyahe.
Samantala,nabanggit din ni DOTR Sec.Tugade na magiging napakalaking tulong para sa ating mga kababayan lalo na sa Marinduque, Romblon at Masbate ang expansion ng pantalan sa Lucena.