Current track

Title

Artist


APAT NA BARANGAY OFFICIALS SA CAVITE,SINUSPENDE SA PAGLABAG SA MINIMUM HEALTH STANDARDS

Written by on September 2, 2021

30 days preventive suspension ang ipinataw laban kay Barangay Chairman Rolando Pagkaliwangan at mga kagawad na sina Joey Loyola, Francisco Solis, at Ferdinand Perdito ng Barangay Santiago, General Trias, Cavite.
Ito ay may kaugnay sa viral video sa nangyaring karakol procession at mass gatherings nung nakalipas na buwan na malinaw na paglabang sa minimum health standards dahil sa umiiral na pandemya.
Umani naman ito ng papuri sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang nasabing hakbang matapos na maisagawa ang imbestigasyon sa nasabing insidente.
Samantala umaasa naman ang DILG na magsisilbi itong babala sa iba pang barangay officials, na hindi kukunsintihin ang anumang paglabag sa minimum public health standards.


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.