Current track

Title

Artist


Kooperatiba sa Puerto Princesa, tumanggap ng kagamitan sa seaweed production

Written by on March 10, 2021

Natanggap na ng Pandan Marine Products Marketing Cooperative (PMPMC) sa Puerto Princesa ang una at ikalawang tranche ng kagamitan para sa Seaweed Production and Marketing subproject sa ilalim ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-PRDP).
Kabilang sa mga tool na naibigay sa nasabing kooperatiba ay isa sa limang yunit ng Fiberglass Reinforced-Plastic Floating Seaweed Solar Drier; dalawang yunit ng 35-Footer (kambal-makina, 16hp) Fiberglass Reinforced Plastic bermotor Boat at apat na yunit ng Fiberglass Reinforced-Plastic Paddle Boats.
Ang mga kagamitan na ito ay umaabot sa halagang P2.5 milyon na halos 16 prosiyento ng kabuuang halaga ng subproject na P16.1 milyon.
Maliban sa mga bangka, tumanggap din ang PMPMC ng iba pang kagamitan at suplay para sa kanilang seaweed production project tulad ng isang yunit ng moisture analyzer, 19,075 rolyo ng iba’t-ibang laki ng tali o lubid, dalawang bundle ng Double B-Neta o lambat, at 2,100 piraso ng ordinaryong mga sako.
Personal itong tinanggap ni PMPMC Chairperson Mario Mulato kamakailan.
Ang Seaweed Production and Marketing subproject ay bahagi ng enterprise development o I-REAP ng PRDP na naglalayong mapataas ang kalidad ng raw dried seaweed (RDS), produksyon at kita ng mga kasapi ng Pandan Marine Products Marketing Cooperative.
Source: Philippine Information Agency


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.