Current track

Title

Artist


100 M halaga ng proyekto, umaarangkada na sa Abra de Ilog

Written by on September 2, 2021

Ipinatutupad na sa limang Barangay ng Abra de Ilog, pawang mga benepisyaryo ng Barangay Development Program (BDP), ang mga proyektong inaasahang makakatulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga residente nito.
Ang mga benepisyaryong barangay ng nabanggit na munisipalidad ay ang Wawa, Udalo, Balao, San Vicente at Cabacao, mga lugar na tinukoy ng Philippine Army na naapektuhan ng mga aktibidad ng Communist Terrorist Group (CTG).
Ayon kay Abra de Ilog Mayor Eric Constantino, malaki ang epekto ng BDP sa mga pamayanan dahil nakikita mismo ng mga residente ang dahan-dahang pagsasakatuparan ng mga proyektong sila mismo ang pumili.
Sinabi ni Constantino na pinag-isipang mabuti ng bawat barangay ang mga proyektong nais nilang ipatupad sa kani-kanilang lugar. Aniya, kabilang ang lokal ng pamahalaan sa balidasyon at pagsala ng mga proyekto upang higit na bigyang pansin ng barangay ang programang mas maghahatid ng impact sa komunidad. Kabilang sa mga napiling proyekto ay pagtatayo ng school building, multi-purpose hall, at livelihood programs na may kaugnayan sa sektor ng sakahan at pangisdaan.
Hiling ng Punong Bayan na sana’y magpatuloy ang BDP dahil marami pang barangay sa bansa ang naapektuhan ng insurhensya at magbebenepisyo ng malaki sakaling mapagkalooban din ng kahalintulad na pondo.
Bawat benepisyaryong barangay ng BDP ay tatanggap ng P20 milyon halaga ng mga proyekto.

Source: Philippine Information Agency


Reader's opinions

Leave a Reply

Your email address will not be published.